Nadine Lustre sumigaw ng ‘Darna’

By Len Montaño May 08, 2019 - 02:45 AM

Screengrab of Donnalyn Bartolome video

Matapang na tinanggap ni Nadine Lustre ang hamon ng isang kaibigan na sumigaw ito ng “Darna.”

Ito ay sa gitna ng paghahanap ng gaganap sa karakter ng Pinay superhero matapos umatras si Liza Soberano.

Kinumbinse si Nadine ng kaibigan na si Donnalyn Bartolome na isigaw ang “Darna.”

Sa vlog ni Bartolome ay mapapanood na kunwaring hinanap ni Nadine ang “bato” saka ito game na sumigaw ng “Darna.”

Sinabi ng aktres na hindi siya mag-aalinlangan na tanggapin ang role sakaling ialok ito sa kanya pero iginiit nito na mabigat itong responsibilidad.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang paghahanap ng Star Cinema sa susunod na gaganap na “Darna.”

TAGS: bato, Darna, Ding, Donnaly Bartolome, Nadine Lustre, Pinay superhero, sigaw, vlog, bato, Darna, Ding, Donnaly Bartolome, Nadine Lustre, Pinay superhero, sigaw, vlog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.