DPWH: Build, Build, Build nakalikha ng 4 milyong trabaho simula 2016
Higit apat na milyong trabaho ang nalikha ng major infrastructure progam ng gobyerno na Build, Build, Build simula noong 2016 ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar.
Sa isang pahayag araw ng Martes, sinabi ng kalihim na dahil sa pagbuo ng mga kalsada, tulay, flood-control at iba pang proyekto ay nakalikha ang Build, Build, Build (BBB) ng kabuuang 4,199,228 trabaho.
Nagpasalamat si Villar sa mas tumaas na budget ng DPWH sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito anya ang dahilan kung bakit nagawa ng kagawaran na makapagbigay ng milyun-milyong trabaho para sa mga Filipino.
“Thanks to the huge increase in DPWH budget since President Rodrigo Roa Duterte took over, we were able to provide jobs to millions of Filipinos across the country,” ani Villar.
Ayon kay Villar, kumikita ang mga manggagawa sa BBB ng nasa P550 kada araw.
Umaasa si Villar na nasa isang milyon pang manggagawa ang makikinabang sa infrasturacture projects ngayong taon sa ilalim ng P 3.757 trillion national budget.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.