Utang ng Pilipinas pumalo sa P7.8T noong Marso

By Rhommel Balasbas May 08, 2019 - 01:50 AM

Umakyat sa P7.802 trilyon ang utang ng Pilipinas noong Marso ayon sa Bureau of the Treasury araw ng Martes.

Mas mataas ito ng 13.4 percent kumpara sa P6.879 trilyon sa kaparehong buwan noong 2018.

Ang utang ng bansa noong Marso ay mas malaki rin ng P350 bilyon kumpara noong Pebrero at P510 bilyon na mas malaki noong December 2018.

Ayon sa BTr, ang paglobo ng domestic debt ay dahil sa mas dumami ang utang ng gobyerno at humina pa ang piso kontra ibang salapi.

Nauna nang sinabi ng administrasyon noong Hulyo 2018 na uutang ito ng P1.19 trilyon para mapondohan ang 2019 national budget kabilang na ang Build Build Build program.

 

TAGS: 2019 national budget, Bild, Bureau of the Treasury, BUsiness, domestic debt, mas mataas, P7.802 trilyon, piso kontra ibang salapi, utang, 2019 national budget, Bild, Bureau of the Treasury, BUsiness, domestic debt, mas mataas, P7.802 trilyon, piso kontra ibang salapi, utang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.