Dumami ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho sa kabila ng pagbaba ng joblessness rate sa bansa sa unang kwarter ng 2019.
Ayon sa bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa mula March 28 hanggang 31, bumaba sa 19.7 percent ang joblessness rate o tinatayang 9.4 milyong Pinoy ang walang trabaho.
Ayon sa SWS, ito ang magkasunod na kwarter na bumaba ang proportion ng mga nasa labor force sa “jobless” o walang trabaho.
Ang tala noong Marso ay 1.4 points na mababa sa 21.2 percent o 9 milyong Pinoy noong September 2018.
Sa kabila ng pagdami ng mga walang trabaho, naitala pa rin ang pagbaba ng joblessness rate matapos na lumago ang labor force sa 47.6 million adults.
Ang joblessness ay ang sumusunod: naghahanap ng trabaho sa unang pagkakataon; boluntaryong umalis sa dating trabaho; at nawalan ng trabaho dahil sa economic reason na hindi nila kontrolado gaya ng retrenchment.
Samantala, lumabas din sa SWS survey na bumaba ng 2 puntos ang kumpyansa na magkakaroon ng mas maraming trabaho sa susunod na 12 buwan.
Ito ay bumaba sa 50 percent noong Marso mula sa 52 percent noong Disyembre.
Habang ang negatibong pananaw na mas kaunti ang mga trabaho ay tumaas ng 1 punto sa 13 percent mula 12 percent at ang proportion ng nagsabing walang pagbabago sa job availability ay tumaas ng 3 points sa 25 percent noong March mula 22 percent noong December.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.