Nakalaya na ang dalawang journalist ng Reuters matapos ang 500 araw na pagkakakulong sa Myanmar.
Ikinulong sina Wa Lone at Kyaw Soe Oo dahil sa paglabag sa Official Secret Act bunsod ng pag-rerepport sa masaker sa mga sibilyan sa Rohingya na sensitibo sa national security ng Myanmar.
Nagpasalamat naman ang dalawang mamamahayag sa suporta na ibinigay ng kanilang mga kasamahan para patuloy na kalampagin ang pamahalaan ng Myanmar na palayain na sila.
Nabatid na ang dalawang nakulong na mamamahayag ay kapwa nakatanggap ng parangal ng Pulitzer Prize for International Reporting.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.