Houston Rockets, GSW tabla na sa 2-2 series

Panalo ang Houston Rockets kontra sa Golden State Warriors (GSW) sa Game 4 ng Western Conference Semifinals ng NBA.

Kumamada si James Harden ng 38 puntos at 10 rebounds habang umayuda naman si Eric Gordon ng 20 puntos at P. J. Tucker ng 17 puntos para tapusin ang laro sa iskor na 112-108.

Dahil dito, pantay na sa dalawang panalo ang magkabilang koponan sa best of seven series.

Gaganapin naman ang Game 5 sa Miyerkules sa Oakland, California.

Nabatid na hindi umubra ang pagsusumikap nina Kevin Durant at Stephen Curry para maipanalo ang Warriors.

Read more...