Alyas ‘Bikoy,’ pinadudulog sa NBI ni Andanar

Pinayuhan ni Presidential Communciations Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar si Peter Joemel Advincula na dumulog na sa National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ay para masampahan nang maayos na kaso ang mga personalidad na idinadawit ni Bikoy sa viral video na “Ang Totoong Narcolist.”

Sa naunang pahayag ni Bikoy, idinadawit nito ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte at dating Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa operasyon sa ilegal na droga.

Ayon kay Go, hindi titindig sa hukuman ang kaso ni Bikoy.

Giit ni Andanar, bagsak na si Bikoy pagdating pa lamang sa circumstantial evidence.

Wala kasi aniyang hawak na matibay na ebidensya si Bikoy para backup-an ang kaniyang mga alegasyon.

Halimbawa na lamang, ayon kay Andanar, ang pagtanggi ng Rural Bank of Guinobatan at Misibis Bay na nag-facilitate umano sa transaksyon ng illegal na droga.

Dagdag ni Andanar na kung may nakuha man si Bikoy sa ginawa nitong pagkakalat ng impormasyon, ito ay ang maaaring maibansag sa kanya bilang “face of disinformation of 2019.”

Read more...