Pilipinas, ika-19 na pinagmumulan ng ‘dirty money’ sa buong mundo

By Kathleen Betina Aenlle December 10, 2015 - 03:04 AM

 

Inquirer file photo

Kasama ang Pilipinas sa mga nangungunang pinagmumulan ng mga ‘illicit financial flows’ o iligal na mga transaksyon sa buong mundo, ayon sa pinakahuling report na inilabas ng Global Financial Integrity (GFI) na naka-base sa Washington, DC.

Nakasaad dito na tinatayang nasa kabuuang $90.25 bilyon ang halaga ng mga iligal na perang nagmumula sa Pilipinas simula 2004 hanggang 2013, na pumapatak sa $9.03 bilyon taun-taon.

Dahil dito, humilera sa ika-19 na pwesto ang Pilipinas sa mga pinakamalalaking pinagmumulan ng ‘dirty money’ sa buong mundo.

Pangunahing pinagmumulan nito ay ang iligal na kalakalan o ang smuggling kung saan hindi kumikita ng tama ang gobyerno dahil sa hindi tamang pagbabayad ng taripa para sa mga inaangkat at inilalabas na mga kalakal.

Ayon sa report, ito ang nangungunang paraan para iligal na mailusot ang dapat sanang direktang napupunta na pera sa pamahalaan ng mga developing countries.

Sa loob ng sampung taon, 83.4 percent ng mga illicit financial outflows ay dahil sa “fraudulent misinvoicing” ng mga kalakal.

Kung nasa ika-19 na posisyon ang Pilipinas, nangunguna naman ang China sa listahan na may naitalang $139.2 bilyong halaga ng mga pondong mula sa mga iligal na transaksyon, na sinundan ng Russia ($104.9 billion), Mexico ($52.8 billion), India ($51 billion) at Malaysia ($41.8 billion).

Upang masolusyunan ang lumalaganap na problemang ito, payo ng GFI sa mga gobyerno na magtayo ng mga public registries ng mga “verified beneficial ownership information”, at na mas buong pagpapatupad ng mga anti-money laundering recommendations ng Financial Action Task Force (FATF).

Bukod dito, iminungkahi rin ng GFI na mas pagtibayin pa ang pagpapatupad ng mga kasalukuyang batas laban sa mga ganitong kalakaran.kathleen

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.