ERC, dapat nang magsagawa ng bidding para sa power distribution utilities – Benitez

Inquirer file photo

Hinikayat ni House Committee on Energy Senior Vice Chairman Albee Benitez ang mga power distribution utilities na magsagawa na ng bidding sa power demands sa lalong madalang panahon para maiwasan ang nagbabadyang power crisis sa bansa.

Ayon kay Benitez, obligasyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) at ng mga distribution companies sa publiko na kaagad na magsagawa ng bidding dahil na rin sa mataas na power demands.

Sinabi nito na napapanahon ang ruling ng Supreme Court (SC) dahil may nagbabadyang power crisis sa Pilipinas dahil tumatanda na rin ang mga power generators na ginagamit ngayon.

Idinagdag pa ng mambabatas na hihimukin niya si House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na magpatawag ng meeting sa ERC at power utilites para matiyak ang swift implementation ng bidding.

Ang pahayag ay ginawa ni Benitez ang matapos ang pasya ng Korte Suprema na ang lahat ng power supply agreements ng mga power utilities ay magiging subject na sa mandatory competetive selection process.

Read more...