Pamahalaan, hinimok na huwag buwisan ang honoraria ng mga guro sa magsisilbi sa eleksyon

By Erwin Aguilon May 07, 2019 - 08:25 PM

Hinikayat ni 1-ANG EDUKASYON Rep. Salvador Belaro ang pamahalaan na huwag buwisan ang kompensasyon ng mga gurong magsisilbi sa 2019 midterm elections.

Ayon kay Belaro, ang 100% tax exemption sa honoraria at benefits para sa mga guro ngayong eleksyon ay maliit lamang kung ikukumpara sa pagod at sakripisyo na kanilang ibinibigay.

Paliwanag nito, hindi rin kasama sa annual recurring income ang ibibigay na bayad sa mga guro ngayong halalan kaya hindi na dapat itong buwisan.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), mayroong P2 bilyong pondo para sa allowance at iba pang honororia sa mga gurong magbabantay at magsisilbi sa halalan na gaganapin sa Mayo 13.

Kaugnay nito, hinikayat ang Comelec at Department of Education (DepEd) na ibigay agad ang honoraria at iba pang election benefits na matatanggap ng mga guro.

TAGS: 1-ANG EDUKASYON, 2019 elections, guro, Salvador Belaro, 1-ANG EDUKASYON, 2019 elections, guro, Salvador Belaro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.