Ayon kay Barbers, gusto lamang nito na wasakin ang mga kandidato ng administrasyon.
Kinuwestyon din nito ang motibo ni Advincula dahil sa halip na sa National Bureau of Investigation (NBI) dumeretso para makapagsagawa ng pormal na imbestigasyon ay iniaalok nito ang sarili sa Senate investigation.
Kung totoo aniya ang mga hawak na ebidensya ni Advincula ay bakit sa social media niya ito dinala at hindi sa korte.
Iginiit nito na kung natatakot si alyas ‘Bikoy’ sa seguridad nito ay pwede naman siyang humingi ng saklolo sa Department of Justice (DOJ) at hilinging sumailalim sa witness protection program.
MOST READ
LATEST STORIES