Pinuno ng House Dangerous Drugs committee, duda sa timing ng paglantad ni alyas ‘Bikoy’

By Erwin Aguilon May 07, 2019 - 08:23 PM

Nagtataka si House Committee on Dangerous Drugs chair Robert Barbers sa timing ng paglutang ni Peter Advincula o alyas ‘Bikoy.’

Ayon kay Barbers, gusto lamang nito na wasakin ang mga kandidato ng administrasyon.

Kinuwestyon din nito ang motibo ni Advincula dahil sa halip na sa National Bureau of Investigation (NBI) dumeretso para makapagsagawa ng pormal na imbestigasyon ay iniaalok nito ang sarili sa Senate investigation.

Kung totoo aniya ang mga hawak na ebidensya ni Advincula ay bakit sa social media niya ito dinala at hindi sa korte.

Iginiit nito na kung natatakot si alyas ‘Bikoy’ sa seguridad nito ay pwede naman siyang humingi ng saklolo sa Department of Justice (DOJ) at hilinging sumailalim sa witness protection program.

TAGS: bikoy, NBI, Peter Advincula, Robert Barbers, bikoy, NBI, Peter Advincula, Robert Barbers

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.