May inihahandang bombshell o pasabog ang Palasyo ng Malakanyang laban kay Peter Joemel Advincula o alyas ‘Bikoy.’
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hinihintay na lamang niya ang mga dokumento mula sa Philippine National Police (PNP) na magdidiin sa kaso laban kay Bikoy.
Gayunman, tumanggi na muna si Panelo na magbigay ng karagdagang impormasyon ukol sa bombshell.
Dagdag ni Panelo, agad niyang isasapubliko ang bombshell kapag nakumpleto na ang mga dokumento.
Malinaw aniya na black propaganda lamang ang mga pahayag ni Bikoy at ginagamit lamang ito na pain para sirain ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala, sinabi ni Panelo na deadma lamang ang pangulo sa paglutang ni Bikoy.
Ayon kay Panelo, idiniga niya sa pangulo ang paglutang ni Bikoy sa Cabinet meeting, Lunes ng gabi, subalit wala aniyang reaksyon ang punong ehekutibo.
Ayon kay Panelo, hihintayin na muna ni Pangulong Duterte na matapos ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad laban kay Bikoy bago mag-isyu ng statement.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.