Ex-Bayan Muna Rep. Joel Virador, pumanaw na sa edad na 52
Pumanaw na si dating Bayan Muna Rep. Joel Virador sa edad na 52.
Sa kaniyang Facebook account, kinumpirma ng anak nito na si Harvey Rafael Virador ang pagpanaw ng dating mambabatas habang naka-confine sa Brokenshire Hospital sa Davao City bandang 11:20 ng umaga.
Naging sanhi aniya ang iniindang sakit na papillary carcinoma na isang pangkaraniwang uri ng thyroid cancer.
Una aniyang nakita ang sakit sa mambabatas taong 2013 ngunit hindi agad nabigyan ng lunas dahil lumabas sa unang diagnosis na hindi umano “cancerous.”
Naging representante si Virador ng Bayan Muna partylist noong 13th Congress mula June 2004 hanggang June 2007 at naging executive vice president ng naturang partylist.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.