Pinayagang makapag-piyansa ng Angeles City Regional Court ang hinihinalang utak o mastermind sa pagpatay kay South Korean businessman Jee Ick Joo.
Oras na makapag-piyansa, pansamantalang makakalaya si Police Lt. Col. Rafael Dumlao.
Si Dumlao ang itinuro ng witness na si Police Executive Master Sergeant Roy Villegas na nakausap ng akusadong si Police Chief Master Sergeant Ricky Sta. Isabel bago nasawi si Jee.
Nahaharap sina Sta. Isabel, Jerry Omlang at Dumalo ng kidnapping for ransom at homicide habang accessory to the crime naman si Gerardo “Ding” Santiago, ang may-ari ng Gream Funeral Services sa Caloocan City kung saan dinala ang katawan ni Jee.
Sumuko si Omlang at inamin ang kaniyang partisipasyon sa krimen.
Nagsisilbi namang state witness si Villegas sa kaso.