Meralco may bawas-singil sa kuryente ngayong Mayo

Matapos ang pagtaas ng singil sa kuryente noong Abril, inanunsyo ng Meralco na magkakaroon naman ng bawas-singil ngayong Mayo.

Mababawasal ng 0.34 centavos kada kilowatt hour ang singil sa kuryente at mararamdaman ang bawas sa May bill ng mga consumer.

Ang bawas sa singil ay katumbas ng P55 na bawas sa mga may buwanang konsumo na 200 kWh, P82 sa 300 kWh, P110 sa 400 kWh at P136 sa 500 kWh.

Sinabi ng Meralco na nagkaroon ng kabawasan sa overall electricity rates na P10.28/kwh ngayong buwan kumpara sa P10.55/kwh noong Abril.

Read more...