NBI, pasok na sa kaso ng pagpatay sa CNN-Ph cameraman

imusIniutos na ni Justice Secretary Leila de Lima sa National Bureau of  Investigation (NBI) na imbestigahan ang pamamaril sa driver at assistant cameraman ng CNN Philippines sa Imus, Cavite,  Huwebes ng madaling araw.

Sinabi ng kalihim na nagpadala si NBI Director Virgilio Mendez ng isang team mula sa Death Investigation Unit para mag-imbestiga sa naturang kaso.

Si Jonathan Oldan o mas kilala sa tawag na ‘Jojo’ ay kasama ng news team ng CNN Philippines na naka-assign sa Judiciary beat ng Department of Justice.

Hindi pa malinaw sa ngayon ang dahilan ng pamamaril sa 29 anyos na Oldan.

Ilang ulit binaril si Oldan ng hindi nakilalang suspek at nagtamo ito ng apat na tama ng bala ng baril sa ulo.

Ayon sa National Union of Journalist of the Philippines (NUJP), kung mapatutunayang work related ang insidente, ito na ang ikatlong kaso ng media killing ngayong taon at ika 27 sa ilalim ng administrasyong Aquino. / Ricky Brozas

 

Read more...