Van bumaligtad sa NLEX; 1 patay, 14 ang sugatan

Isa ang patay habang sugatan ang labingapat na iba pa sa aksidente na naganap sa north-bound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) malapit sa Lawang Bato Exit.

Binangga ng H100 Van ang metal barrier sa NLEX dahilan para tumilapon ito at bumaligtad.

Nasa Valenzuela Medical Center ang mga nasugatan.

Nawalan umano ng control sa sasakyan ang driver dahil pumutok ang isang gulong nito.

Patungo ng Pampanga ang van at galling ng Balintawak nang mangyari ang aksidente.

Isang lane ang pansamantalang isinara para bigyang-daan ang mga rescuer habang bumagal naman ang daloy ng trapiko dahil na rin sa nakiki-usyosong motorista.

Read more...