19 kabilang ang 2 pulis arestado sa paglabag sa gun ban sa Pagadian City

By Dona Dominguez-Cargullo May 07, 2019 - 11:18 AM

Arestado ang labingsiyam na katao kabilang ang dalawang pulis sa paglabag sa umiiral na gun ban sa Pagadian City.

Sakay ng dalawang sasakyan ang mga nadakip na karamihan ay nakasuot ng maskara nang sila ay maharang ng mga tauhan ng Philippine Army sa Barangay Danlugan.

Dalawa sa nadakip ay aktibong pulis na sina Police Sr. Master Sergeant Rex Barmeda na nakadestino sa Zamboanga del Sur at Police Corporal Michael Dagupan ng Pagadian City police.

Ayon kay Lt. Col. Marlowe Patria, 53rd IB commander, nakatanggap sila ng tawag mula sa mga residente sa barangay dahil sa presensya ng mga armadong lalaki na sakay ng pick-up.

Dinatnan niya ang labingsiyam sa lugar na pawang may bitbit na mga armas.

Kinilala ang iba pang nadakip na sina:
– Joel Morales
– Celso Labayo
– Ken Redondo
– Anthony Basaya
– Art Tesorio
– James Mendiola
– Jimmy Mendiola
– Randy Abad
– Antonio Onac
– Juvy Siabok
– Junifer Daud
– Michael Ganub
– Jhoniven Sebag
– Monching Angalay
– Alvin de la Cruz
– Dioscoro Escario
– Jason Escario

Nakuhanan sila ng limang M16 rifles, pitong caliber-45 pistols, dalawang caliber-357 revolvers, isang 9-mm pistol, isang caliber-38 revolver, isang caliber-22 revolver, at mga bala.

TAGS: armed men, arrested, Gun ban, Pagadian City, armed men, arrested, Gun ban, Pagadian City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.