Inindorso ng labor group na Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang labingdalawang senatorial bets.
Ayon sa TUCP, ang mga ito ay pinaniniwalaan nilang magsusulong pa ng labor reforms sa Kongreso.
Ayon kay TUCP President Raymond Mendoza kabilang sa mga iniendorso nilang kandidato ay sina:
Neri Colmenares
Sonny Matula
Grace Poe
Cynthia Villar
Nancy Binay
Jayvee Ejercito
Bam Aquino
Pia Cayetano
Bong Go
Bato Dela Rosa
Imee Marcos
at Francis Tolentino
Nabuo ang listahan ng mga ieendorsong kandidato matapos ang konsultasyon ng TUCP sa kanilang mga lider.
Naniniwala silang ang 12 senatoriables ay makatutulong para masuportahan ang mga batas na makatutulong at mas makapagpapabuti pa sa kapakanan ng mga manggawa.
READ NEXT
Necrological services, Requiem Mass idinaos sa Kamara para sa yumaong si dating House Speaker Nograles
MOST READ
LATEST STORIES