Necrological services, Requiem Mass idinaos sa Kamara para sa yumaong si dating House Speaker Nograles
By Dona Dominguez-Cargullo May 07, 2019 - 10:39 AM
Ibinigay ng Kamara ang huling respeto sa mga labi ni dating House Speaker Prospero Nograles.
Isang Requiem Mass ang idinaos sa Plenary Hall ng Kamara na dinaluhan ng mga mambabatas.
Matapos ito ay nagsagawa ng necrological services kay Nograles na pinangunahan ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.
Si Nograles ay naging Speaker mula 2008 hanggang 2010, noong kapanahunan ng pagiging pangulo ni Arroyo.
Dadalhin ang mga labi ni Nograles sa Davao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.