Dalawang menor de edad arestado sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Makati

Inaresto ang dalawang menor de edad dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo sa Makati City.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, direktor ng Makati City Police, dinakip ang isang 15 anyos at isang 14 anyos na kapwa residente ng Pasay City.

Ang dalawa ay kapwa sangkot sa pagnanakaw ng motorsiklo na pag-aari ng isang Josephine Tobias nuong madaling araw ng April 30.

Nakaparada noon sa harapan ng isang shop sa Brgy. Bangkal, Makati ang motorsiklo nang ito ay nakawin.

Nang i-review ang CCTV sa lugar ay nakita ang dalawang menor de edad na kumuha ng motorsiklp.

Nai-turnover na sa Makati Youth Center ang mga suspek habang naibalik naman sa may-ari ang motorsiklo.

Read more...