Ambulansya pinaulanan ng bala sa Cebu; 1 ang sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo May 07, 2019 - 10:17 AM

CDND Photo
Pinagbabaril ang isang ambulansya na pag-aari ng lokal na pamahalaan ng San Fernado, Cebu.

Pabalik sa San Fernando ang naturang ambulansya nang bigla itong paulanan ng bala, Lunes (May 6) ng gabi nang hindi nakilalang mga suspek.

Naganap ang ang pamamaril sa Barangay Inuboran sakop ng Naga City matapos maghatid ng pasyente sa ospital.

Ayon kay Major Jason Villamater, Naga City Police Station chief, sakay ng ambulansya ang apat na katao at isa sa kanila ang nasugatan.

Inaalam pa ni Villameter kung may kaugnayan ang pamamaril sa naganap na pananambang kay San Fernando Mayor Lakambini Reluya noong Enero.

Ang apat na sakay kasi ng ambulansya ay pawang tagasuporta ni Reluya.

Nasugatan si Reluya sa pananambang noong Enero pero ang kaniyang asawa na si Ricardo ay pumanaw.

TAGS: ambulance, ambush, cebu, naga city, San Fernando, ambulance, ambush, cebu, naga city, San Fernando

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.