Niño Muhlach at anak na si Alonzo may private dinner kay Pangulong Duterte mamayang gabi

Magkakaroon ng private dinner kasama si Pangulong Rodrigo Duterte ang aktor na si Niño Muhlach at kaniyang anak na si Alonzo.

Ibinahagi ni Muhlach ang balita sa kaniyang Instagram account at hindi maitago ang excitement para sa dinner na magaganap na mamayang gabi. (May 7).

Sa naturang post, ibinahagi ni Muhlach ang mensahe mula sa Office of the Appointment Secretary sa Malakanyang kung saan nakasaad na iniimbitahan siya at si Alonzo para sa private dinner sa Palasyo alas 7:30 ng gabi mamaya.

Ang post ni Muhlach ay mayroong caption na “Today is the day! Dinner with his excellency President Rodrigo R. Duterte, #Tatakduterte”.

Si Muhlach ay kilalang tagasuporta ni Pangulong Duterte.

Read more...