Batang nabaril ng isang pulis sa Caloocan inilibing na

By Dona Dominguez-Cargullo May 07, 2019 - 09:48 AM

Inihatid na sa huling hantungan ang batang napatay ng isang pulis sa Caloocan nuong April 28.

Sa Tala Cemetery inilibing si Gian Habal, anim na taong gulang, Martes (May 7) ng umaga.

Bago ang libing ni Habal dumagsa pa sa kaniyang tahanan sa Mabini Street ang mga kaibigan at kaanak na nakiramay.

Ang lola ni Habal na si Elsa Montañez, ay naka-wheelchair pa nang dumalo sa libing makaraang masugatan din siya mula sa bala ng baril ni Police Corporal Rocky Delos Reyes.

Si Habal ay nasawi matapos tamaan ng bala ng baril sa ulo habang may operasyon umano si Delos Reyes sa kanilang lugar.

Pero itinanggi ng pamilya at mga testigo ang pahayag ni Delos Reyes.

Nasampahan na ng kasong murder ang naturang pulis sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

TAGS: caloocan, Gian Habal, Murder, rocky delos reyes, caloocan, Gian Habal, Murder, rocky delos reyes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.