MMDA aminadong hindi matagumpay ang dry run ng provincial bus ban sa EDSA

Aminado ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi nagtagumpay ang isinagawa nilang dry run sa provincial bus ban sa EDSA.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, iilang bus driver lang ang napasyang makilahok sa dry run.

Hind aniya naging successful ang dry run dahil kakaunti lamang ang sumunod.

Hindi naman kasi mapipilit pa ang mga driver at sa halip ay paghikayat lamang ang ginawa ng MMDA.

Kahapon ay nagpasya ang MMDA na suspindehin muna ang dry run habang binubuo pa ang guidelines para dito.

Read more...