Thunderstorm advisory itiinaas ng PAGASA sa Zambales at Bataan

Nagtaas ng thunderstorm advisory ang PAGASA sa lalawigan ng Zambales at Bataan.

Inilabas ang abiso alas 7:51 ng umaga ng Martes, May 7.

Base sa Thunderstorm Levels ng PAGASA, ang thunderstorm advisory ay mangangahulugan ng pag-ulan sa apektadong lugar sa loob ng susunod na dalawang oras matapos ipalabas ang abiso.

Ayon sa PAGASA, ang malakas na buhos ng ulan sa lugar na apektado ng thunderstorms ay maaring makapagdulot ng flash floods at landslides.

Read more...