Pitong miyembro ng ‘Salisi Gang’ naaresto sa isang mall sa QC

By Dona Dominguez-Cargullo May 07, 2019 - 06:39 AM

Arestado ang pitong miyembro ng “Salisi Gang” na nagnanakaw sa isang mall sa Katipunan, Quezon City.

Isang babae ang nagreklamo sa security ng mall matapos na mawala ang kaniyang cellphone.

Agad na ni-review ang CCTV kung saan nakita na habang naglalaro sa isang gaming center ang biktima ay dalawang babae ang lumapit sa kaniya at unti-unting kinuha ang cellphone sa kaniyang shoulder bag.

Nakita rin sa CCTV na hindi lang ang dalawa ang mga suspek kundi may iba pa silang kasama.

Doon na sinubaybayan ang mga suspek at hinigpitan ang seguridad sa mga palabas na sasakyan.

Nang makita ang van kung saan sakay ang mga suspek na nakita sa CCTV, pinara ito ng security at hiningan ng resibo sa kanilang mga dalang gamit.

Pero walang naipakitang resibo ang pitong sakay ng van.

Nakuha samga suspek ang mga cellphone, laptop, iba’t ibang mga bag, mga bagong medyas, mga bagong payong at dog food na hinihinalang kinuha nila lahat sa loob ng mall.

TAGS: arrest, Katipunan, mall, quezon city, Salisi Gang, arrest, Katipunan, mall, quezon city, Salisi Gang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.