Papua New Guinea niyanig ng magnitude 7.2 na lindol
Niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang Papua New Guinea.
Ayon sa US Geological Survey ang pagyanig ay naitala sa 34 kilometers ng Bulolo alas 5:19 ng umaga (oras sa Pilipinas).
May lalim na 127 kilometers ang pagyanig.
Naramdaman dina ng pagyanig sa ilang bahagi ng Indonesia.
Wala pa namang napaulat na nagdulot ng pinsala ang nasabing lindol.
Samantala, agad pinawi ng Phivolcs ang pangamba na maaring magdulot ng tsunami sa mga baybayin ng Pilipinas ang nasabing malakas na lindol.
Ayon sa Phivolcs, walang banta ng destructive tsunami sa bansa bunsod ng nasabing lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.