Raptors nakatabla sa NBA playoff series kontra 76ers

Sumiklab si Kawhi Leonard sa ginawa nitong 39 points at 14 rebounds para talunin ng Toronto Raptors ang Philadelphia 76ers sa NBA playoff series sa score na 101-96.

Dahil sa panalo ay tabla na sa 2-2 ang Toronto at Philadelphia.

Nagdagdag sina Marc Gasol ng 16 points at Kyle Lowry ng 14 points para sa Raptors at nalimita ng koponan ang ginawa ni Sixers center Joel Embiid sa 11 points.

Target ng Raptors na makalamang sa serye pagbalik ng laro sa Toronto para sa Game 5 sa Martes araw sa US.

Matapos ang magkasunod na pagkatalo, sinabi ni Leonard na ang mindset nila ay maglaro ng matindi kontra Philadelphia.

Read more...