14 patay sa pagbagsak ng private jet sa pagitan ng Las Vegas at Mexico
Natagpuan na ang mga bahagi ng private plane na nawala sa ruta nito galing sa Las Vegas patungong Monterrey sa northern Mexico.
Ayon sa ulat ng Mexican newspaper na Reforma, patay ang 14 na sakay ng eroplano na binubuo ng 11 pasahero at tatlong crew members.
Natagpuan ang debris ng eroplano sa layong 129 kilometro northwest ng city of Monclova at malapit sa border ng Coahuila.
Hindi pa nararating ng mga opisyal ang lugar dahil ito ay bulubundukin.
Ayon sa isang online flight tracking service na FlightAware, ang private plane ay ginawa ng Bombardier Inc. ng Canada.
Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kumpanya.
Nauna nang iniulat ng local broadcast network na Televisa na nawala ang small twin-engine noong Linggo bandang alas-5:20 ng hapon, local time sa Mexico.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.