‘Avengers: Endgame’, highest-grossing film of all-time ng Pilipinas

Itinanghal na ang “Avengers: Endgame” bilang highest-grossing film of all time sa bansa ayon sa anunsyo ng Marvel Philippines, araw ng Lunes.

Kumita ang pelikula ng kabuuang P1,302,454,613 o $24.6 million sa loob lamang ng siyam na araw para wasakin ang local box office records.

Naungusan na Endgame ang $22.8 million ng “Avengers: Infinity War” at $12.8 million ng “Beauty and the Beast” na ngayon ay nasa ikalawa at ikatlong pwesto sa highest grossing films ng bansa.

Samantala, bilang pasasalamat sa Filipino fans, isang special video mula sa cast at directors ng Endgame ang ibinahagi sa social media ng Marvel Philippines laman ang thank you messages.

Noong weekend ay nauna nang nalampasan ng pelikula ang $2-billion mark sa global ticket sales at ngayon ay second highest-grossing film na sa kasaysayan.

Read more...