Truck driver arestado sa pagtutulak ng droga sa Quezon City
Timbog ang isang driver na nagtutulak din ng iligal na droga sa operasyon ng pulisya sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.
Ayon kay Talipapa Police chief Pol. Lt. Col Alex Alberto, nagkasa sila ng buy-bust operation laban sa suspek na nakilalang si alyas ‘Ervin’ sa bahagi ng Himlayan Road.
Positibong nakabili ng droga ang mga pulis mula sa suspek at agad itong dinakip.
Depensa ng suspek, inutusan lamang siyang magbenta ng ipinagbabawal na gamot dahil sa kahirapan.
Inamin naman nito na siya ay gumagamit ng droga bilang panlaban sa puyat.
Samantala, sinabi ng pulisya na imbes na pera, baril ang gusto ng suspek na ibayad sa kanya kapalit ng shabu.
Narekober mula sa suspek ang 23 plastic sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P17,000.
Mahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.