Ayala Museum pansamantalang isasara sa Hunyo

By Rhommel Balasbas May 07, 2019 - 04:05 AM

Pansamantalang isasara sa buwan ng Hunyo ang Ayala Museum.

Sa isang Facebook post, inanunsyo ng museum na sasailalim sa rehabilitasyon ang kanilang 15-taong pasilidad kabilang ang Heritage Library at ArtistSpace.

Bukas ang museum sa publiko hanggang sa May 31.

Inaasahang matatapos ang renovations sa susunod pa na taon, 2020.

Samantala, habang inaayos ang Ayala Museum ay inilunsad naman ang Ayala Museum On-The-Go (OTG).

Sa pamamagitan ng Ayala OTG ay dadalhin ang exhibits, workshops, lectures at concerts sa publiko.

Inanunsyo rin ang pagpapasinaya sa Ayala Museum Youtube Channel.

TAGS: ArtistSpace, Ayala Museum, Ayala Museum On-The-Go, Ayala Museum Youtube Channel., Heritage Library, isasara, ArtistSpace, Ayala Museum, Ayala Museum On-The-Go, Ayala Museum Youtube Channel., Heritage Library, isasara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.