Senado hindi basta-basta magsasagawa ng inquiry ukol sa mga alegasyon ni ‘Bikoy’

By Rhommel Balasbas May 07, 2019 - 04:01 AM

Hindi agad-agad magsasagawa ng imbestigasyon ang Senado ukol sa umano’y pagkakasangkot ng pamilya Duterte sa kalakalan ng droga ayon kay Sen. Panfilo Lacson.

Ang umano’y pagkakasangkot ng pamilya Duterte sa illegal drug trade ay inilabas sa serye ng videos na ‘Ang Totoong Narcolist’ na isinalaysay ng isang ‘Bikoy’.

Lumantad si Peter Joemel Advincula kahapon (May 6), na nagpakilalang si ‘Bikoy’ at sinabing handa itong humarap sa Senate inquiry para patunayan ang kanyang mga alegasyon.

Ayon kay Sen. Lacson, hihintayin nila ang sworn statement ni Advincula at mga ebidensya at dito pa lamang sila magdedesisyon kung kailangang magsagawa ng hearing.

“As far as the Senate (is concerned), we will await his sworn statement and whatever supporting evidence he has. After which, we will evaluate and proceed from there,” ani Lacson.

Kung may merito umano ang salaysay at mga ebidensya ng nagpakilalang Bikoy ay saka pa lamang sila maglulunsad ng Senate inquiry.

“If it merits a Senate inquiry, we definitely will conduct one to hear him and more, if any,” giit ng senador.

TAGS: “Ang Totoong Narcolist”, bikoy, inquiry, Peter Joemel Advincula, Sen. Panfilo Lacson, Senado, “Ang Totoong Narcolist”, bikoy, inquiry, Peter Joemel Advincula, Sen. Panfilo Lacson, Senado

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.