Sen. De Lima pinayagan ng korte na makaboto sa May 13

Pinayagan ng korte sa Muntinlupa ang petisyon ni Sen. Leila De Lima na siya ay makaboto sa darating na May 13 midterm elections.

Sa isang desisyon, pinayagan ni Muntinlupa Regional Trial Court Branch 205 Judge Liezel Aquiatan ang Motion for Furlough ng senadora.

Maaaring makaboto si De Lima sa ilalim ng Escorted Detainee Voting System ng Comelec sa pagitan ng alas-12:00 hanggang alas-2:00 ng hapon sa May 13.

Ayon kay Aquiatan, sagot ni De Lima ang gastos ng kanyang transportasyon mula sa PNP Custodial Center sa Camp Crame hanggang sa kanyang polling precinct sa Santa Rita School, ParaƱaque City.

Bawal ding magpaunlak sa media interviews ang senadora bago at matapos siyang bumoto.

Read more...