Naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tangkang pagpuslit sa isang reticulated python na isinilid sa Bluetooth speaker noong Linggo, May 5.
Ayon sa pahayag ng BOC-NAIA araw ng Lunes, may habang 20 pulgada ang sawa.
Nakita ito sa package na isinailalim sa X-ray.
Ang isang reticulated python ay lumalaki hanggang 32 talampakan at kayang kumain ng isang buong tao o malaking hayop.
Nai-turn over na ang sawa sa Department of Environment and Natural Resources para maalagaan nang maayos.
Muling nagpaalala ang BOC sa publiko na ang importation, exportation at pagbebenta ng wildlife animals nang walang kaukulang permit ay paglabag sa RA 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act in relation to RA 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act.
Sinumang mga lalabag ay maaaring makulong ng isa hanggang dalawang taon at pagmultahin ng P2,000 hanggang P200,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.