Konstruksyon ng LRT1 Cavite extension, simula na ngayong Martes
Simula na ngayong Martes May 7 ang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) Cavite extension.
Ito ay 5 taon makalipas na ma-award ang prokeyto sa isang private component.
“What commences is the actual construction of the extension line, fulfilling the decades-old promise of connecting the province of Cavite to Metro Manila through a railway network,” pahayag ng Department of Transportation (DOTr).
Ang seremonya ngayong araw ay hudyat ng pag-arangkada ng proyekto mula sa groundbreaking noong May 2017.
Noong September 2014 ay na-award sa Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang proyekto na nagkahalaga ng P64.9 billion.
Pagdurugtungin ng extension project ang Baclaran at Bacoor, Cavite.
Nakapaloob sa 11.7-kilometer railway extension project ang pagtatayo ng walong bagong istasyon.
Target ng DOTr at LRMC na matapos ang proyekto sa 4th Quarter ng 2021.
Kapag natapos ang proyekto magiging 25 minuto na lamang ang byahe mula sa kasalukuyang 1 oras at 10 minuto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.