“Bikoy”: Otso Diretso, media, walang kinalaman sa ‘Ang Totoong Narco List” videos
Nilinaw ng nagpakilalang si ‘Bikoy’ na si Peter Joemel Advincula na walang kinalaman ang oposisyon at ilang media groups sa serye ng “Ang Totoong Narco List” videos.
Si “Bikoy” ang tagapagsalaysay sa videos na nag-uugnay sa Duterte family sa kalakalan ng iligal na droga.
Ani Advincula, wala siyang kaugnayan sa kahit kaninong kandidato at political party lalo na sa Otso Ditesto, at maging sa media personalities at institusyon na pinangalanan ng pangulo sa isang matrix.
“Gusto kong linawin na wala akong kaugnayan sa kahit kaninong kandidato, lalo na sa mga kandidato ng Otso Diretso, o political party, wala rin akong kaugnayan sa mga media personalities at institusyon na pinangalanan ni Pangulong Duterte sa kaniyang matrix,” Advincula.
Sinabi rin ni Advincula na hindi niya kilala si Rodel Jayme at ang mga kliyente nito.
Si Jayme ang bumuo ng website kung saan ipinost ang serye ng mga videos.
Handa naman umano si Advincula na humarap sa anumang imbestigasyon para patotohanan ang serye ng videos na kanyang inilabas.
“Handa po akong humarap sa anumang imbestigasyon upang patotohanan ang lahat ng inilabas ko sa video serye,” giit ni Advincula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.