Ion Perez: ‘I love Vice Ganda’

Ion Perez IG

Matapang na inihayag ni Ion “Kuya Escort” Perez ang kanyang pagmamahal kay Vice Ganda.

Sa kanyang Instagram stories ay nagbigay ng mensahe si Ion kay Vice.

Nakasaad sa mensahe ni Ion na hayaan na lang ang matang mapang-husga. Ang importante anya ay masaya ang puso.

Sa social media ay kumalat ang mga larawan ng dalawa sa kanilang concert sa California.

Makikita sa mga litrato ang sweetness nina Vice at Ion.

May mga video rin kung saan mapapanood ang pagiging malapit ng dalawa.

Sa isang bahagi ng concert ay may isang tao nagsabing mahal niya si Vice bagay na dinugtungan ni Ion na siya rin daw ay mahal si Vice.

Kamakailan ay ipinakilala ni Vice si Ion sa kanyang kapatid na babae na nakatira sa US.

Wala pang kumpirmasyon sina Vice at Ion ukol sa kanilang relasyon kahit malinaw sa kanilang mga aksyon ang feelings nila sa bawat isa.

Read more...