Comelec may contingency plan sakaling may malakas na lindol sa araw ng eleksyon
Nagpahayag ng kahandaan ang Commission on Elections (Comelec) sa pagbabantay sa vote counting machines (VCM) at mga balota sakaling tumama ang isang malakas na lindol sa mismong araw ng halalan.
Ito ay matapos ang sunud-sunod na pagyanig sa bansa sa loob ng dalawang linggo kabilang ang magnitude 6.1 sa Zambales noong April 22.
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, pinag-uusapan na rin kung magkakaroon ng polisiya sa pagsuspinde ng halalan o pagdedeklara ng failure of elections sa oras na may malakas na lindol.
“We have a contingency plan to secure the VCM and the ballots, pero pinag-uusapan kung magkakaroon ba ng policy na suspension of polls or declaration of failure of elections in case of a strong earthquake,” ani Jimenez.
Ang suspensyon anya ay nangangahulugan na ipagpapatuloy ang halalan sa kaparehong araw, habang ang failure of elections ay pagsasagawa muli ng buong proseso sa tamang panahon.
“Suspension means you get to resume the polls on the same day, while failure of elections means you get a do over. Of course, maraming technicalities involved,” giit ni Jimenez.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan anya sila sa mga eksperto para madetermina kung ano ang dapat ikonsidera para masabing malakas ang lindol.
Bukod sa lindol, dapat din umanong isipin ang posibilidad ng aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.