Mga pasahero ng MRT 3, pinababa dahil sa aberya sa tren

Dahil sa technical glitch ay pinababa ang mga pasahero ng MRT 3 at napilitang maglakad sa riles sa pagitan ng Taft Avenue at Magallanes stations.

Alas 1:00 Lunes ng hapon ay tumigil at umusok ang isang southbound train, dahilan para buksan ng train operator ang mga pinto para makababa ang mga pasahero.

Ayon kay MRT 3 Director Michael Capati, nang inspeksyunin ng driver ay ayaw nang umandar ng tren at may amoy usok.

Dahil sa aberya, pansamantalang natigil ang operasyon ng MRT3 mula North Avenue hanggang Shaw Boulevard stations sa loob ng 20 minuto.

Balik normal ang operasyon ng MRT3 matapos matanggal ang nagka-aberyang tren.

Sinabi ni Capati na ang nasirang tren ay kabilang sa mga kailangan ng rehabilitasyon.

Pumasa naman anya sa regular rigid training ang tren pero dahil luma na ay nagkaroon ng depekto habang bumibyahe.

Noong nakaraang linggo ay umarangkada na ang 43 buwang rehabilitasyon at maintenance ng MRT3.

Read more...