Paolo Duterte binatikos ang IBP sa paglutang ni “Bikoy”
Binatikos ni presidential son at dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) matapos lumutang sa kanilang tanggapan ang lalaki na umanoy nasa likod ni “Bikoy.”
Isa si Paolo sa mga indibidwal na pinangalanan ni Bikoy, ang naka-hood na lalaki sa serye ng mga video na “Ang Totoong Narcolist” na umanoy sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa bansa.
Lunes ng hapon ay lumutang sa IBP office si Peter Joemel Advincula para humingi ng legal assistance dahil nakakatanggap na umano ito ng banta sa buhay.
Pero sa kanyang post ay inihayag ng nakababatang Duterte ang kanyang pagka-dismaya sa IBP dahil sa pagtanggap kay Advincula.
Hinamon din ni Duterte si Advincula na sampahan siya ng kaso kaugnay ng illegal drug activities.
Samantala, nilinaw ni IBP national president Abdiel Fajardo na hindi nila kliyente si Advincula.
Ang hiningan anya nito ng tulong na National Center for Legal Aide (NCLA) ay autonomous body ng IBP.
Sa kanya namang panig, sinabi ni NCLA head June Ambrocio na “under evaluation” pa nila si Advincula.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.