Duchess of Sussex Meghan Markle, isinilang ang baby boy nila ni Prince Harry

By Len Montaño May 06, 2019 - 11:55 PM

Isinilang na ng Duchess of Sussex na si Meghan Markle ang baby boy nila ni Prince Harry araw ng Lunes.

Sa pahayag ng Buckingham Palace, nakasaad na nagsilang si Meghan ng sanggol na lalaki alas 5:26 ng umaga ilang oras matapos ianunsyo na ito ay nagle-labor na.

Ang bagong Royal baby na

Ang bagong Royal baby na pang-pito sa British throne ay may timbang na 7 pounds, 3 ounces

ay may timbang na 7 pounds, 3 ounces.

Ang Duke of Sussex na si Prince Harry ay kasama ni Meghan sa panganganak nito.

Kasama rin ni Meghan sa kanyang panganganak ang ina nito na si Doria Ragland.

Sa kanyang pahayag ay tuwang-tuwa si Prince Harry sa unang anak nila ni Meghan.

Proud at hanga ang prinsipe sa kanyang asawa at nagpahayag agad ito ng matinding pagmamahal sa kanyang baby boy.

Wala pang napiling pangalan sina Prince Harry at Meghan para sa kanilang panganay.

Wala ring impormasyon kung ang kanilang anak ay magkakaroon ng royal title gaya nang ibinigay sa tatlong anak nina Prince William at Kate.

TAGS: 3 ounces, 7 pounds, baby boy, Doria Ragland, Duchess of Sussex, Duke of Sussex, isinilang, Meghan Markle, panganay, Prince Harry, royal title, 3 ounces, 7 pounds, baby boy, Doria Ragland, Duchess of Sussex, Duke of Sussex, isinilang, Meghan Markle, panganay, Prince Harry, royal title

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.