3 patay, hindi bababa sa 30 sugatan sa salpukan ng trak at bus sa Atimonan, Quezon

By Len Montaño May 06, 2019 - 11:39 PM

Credit: Atimonan PRIO

Tatlo katao ang patay at hindi bababa sa 30 katao ang sugatan sa banggaan ng trak at bus sa Barangay Santa Catalina sa Atimonan, Quezon Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Major Micahel Encio, kabilang sa mga nasawi ay ang driver at pahinante ng bus.

Sa inisyal na imbestigasyon nabatid na papuntang Bicol ang AMV Travel and Tours bus.

Sa pababang bahagi ng diversion road ay sumalpok ito sa isang 10-wheeler truck na galing mula sa Maynila.

Dinala ang mga sugatan sa Doña Marta General Hospital at sa Nuestra Señora Delos Angles Hospital.

Ilan pang pasahero ang dinala naman sa ospital sa Lucena City.

Ayon sa pulisya, overloaded ang bus at nag overtake ito, dahilan ng pagsalpok sa trak.

 

TAGS: AMV Travel and Tours bus, atimonan, banggaan, bus, nag-overtake, overloaded, Quezon, salpukan, trak, AMV Travel and Tours bus, atimonan, banggaan, bus, nag-overtake, overloaded, Quezon, salpukan, trak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.