Debate ng mga tumatakbong alkalde at bise alkalde sa Bocaue, Bulacan kinansela

Kinansela na ang nakatakda sanang debate ng mga tumatakbong alkalde at bise alkalde sa Bocaue, Bulacan.

Ang “Bocaue, Kanino Ka? The St. Martin Cooperative Mayoral and Vice Mayoral Candidates’ Forum” ay gaganapin sana sa St. Martin of Tours Parish Quadrangle ganap na 6:00, Martes ng gabi (May 7).

Tumanggi naman ang kampo ng mga organizer na banggitin ang dahilan ng pagkakansela ng nasabing event.

Inaasahan sana ang paghaharap nina Mayoralty candidates Joni Villanueva at Jim Valerio kasama sina Vice Mayoralty candidates Noriel German at Jonjon Santiago.

Ayon sa kampo ni Villanueva, ito sana ay magandang pagkakataon para makilatis nang maigi ng mga Bocaueño ang mga kandidato base sa mga ilalahad na plataporma sa nalalapit na 2019 midterm elections.

Read more...