Palasyo, ikinatuwa sa pag-endorso ng El Shaddai sa mga pambato ng administrasyon
Welcome sa Palasyo ng Malakanyang ang pag-endorso ng religious group na El Shaddai sa 10 pambatong senador ng administrasyon sa May 13 elections.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, natutuwa ang Palsyo sa pag-suporta ng El Shaddai sa mga kandidato ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Gayunman, sinabi ni Panelo na wala namang scientific at statistical study na magpapatunay na epektibo ang pag-endorso ng religious group sa mgga kandidato.
Paliwanag ni Panelo, ang taong bayan pa rin kasi ang huling huhusga kung sinong mga kandidato ang sa paniwala nila ay karapat-dapat na iluklok sa puwesto.
Kabilang sa mga admin bets na iniindorso ng El shaddai ay sina:
• reelectionist Sen. Cynthia Villar
• reelectionist Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III
• reelectionist Sen. Sonny Angara
• reelectionist Sen. JV Ejercito
• Ilocos Norte Gov. Imee Marcos
• dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr.
• datng Sen. Jinggoy Estrada
• Christopher “Bong” Go, dating special assistant to the President
• Francis Tolentino, dating Presidential political adviser, at
• Ronald “Bato” Dela Rosa, dating hepe ng Bureau of Corrections (BuCor).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.