Tumama ang magnitude 3.6 na lindol sa Surigao del Norte, Lunes ng hapon.
Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 56 kilometers Southeast ng General Luna bandang 5:29 ng hapon.
May lalim ang lindol sa 10 kilometers at tectonic ang origin.
Ayon sa ahensya, ito ay bahagi pa rin ng nararamdamang aftershocks matapos yumanig ang 5.5 magnitude na lindol sa Surigao del Norte noong April 26, 2019.
Wala namang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
MOST READ
LATEST STORIES