Rodel Jayme kinasuhan na ng DOJ kaugnay sa Bikoy video
Kinasuhan na ng Department of Justice ang gumawa ng social media account kung saan unang na-upload ang “Tunay na narcolist” video.
Sa resolusyon na inilabas ng DOJ, kinakitaan ng probable cause ang pagsasapma ng kasong inciting to sedition in relation to section 6 of the anti-cybcercrime law laban sa webmaster na si Rodel Jayme.
Si Jayme ang creator at administrator ng www.metrobalita.ph kung saan unang lumabas ang video nang nagpakilalang si Bikoy.
Noong April 30 ay sumuko si Jayme sa mga tauhan ng National Bureau of Investigation makaraan silang mag-silbi ng search warrant para sa computer at ilan pang mobile gadget ng nagpakilalang supporter ng ilang kasapi ng Liberal Party.
Nauna nang sinabi ng NBI na marami silang mga nakuhang impormasyon sa mga personalidad na nasa likod ni Bikoy na gagamitin nila sa kanilang imbestigasyon.
Magugunitang kaninang tanghali ay lumantad rin si Peter Joemel Advincula na nagpakilala bilang siya si Bikoy sa nasabing viral video.
Kasama ni Advincula na dumating sa tanggapan ng Integrated Bar of the Philippines ang ilang mga madre na umano’y kumukupkop sa kanya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.