Panelo kay Bikoy: “You lie in one, you lie in all”
Nakahanda ang Malacañang na makinig sa kwento ni Peter Joemel Advincula na nagpapakilala bilang “Bikoy” na nasa likod ng kontrobersiyal na “Ang totoong narcolist” video.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na pagbabatayan ang pahayag ni Bikoy tungkol sa tattoo ni dating Special Assistant to the President Bong Go ay sira na kaagad ang kredibilidad nito.
“Let’s hear him out, what he’s going to say. Like what we’ve always been saying, the video is a black propaganda against the gov’t. The tattoo he claimed was on the back of Bong Go was proven to be false. You lie in one, you lie in all,” ayon kay Panelo.
Hindi rin interesado ang palasyo na patulan pa ang mga pahayag ni Advincula dahil ipauubaya na nila ito sa mga imbestigador ng pamahalaan.
“We will leave it to the government agencies concerned, they stand behind who is investigating it and it will do his job. We will just wait for whatever development that the case will go through,” dagdag pa ng opisyal.
Sa kanyang paglantad sa media, ay nagpasaklolo rin si Advincula sa Integrated Bar of the Philippines dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay.
Pinanindigan naman ni Advincula ang kanyang pahayag na walang pulitiko o anumang grupo ang nag-udyok sa kanya para lumantad.
Ang nagpakilalang si Bikoy ay dumating sa tanggapan ng IBP kanina kasama ang ilang mga madre na umano’y nagbibigay sa kanya ngayon ng proteksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.